2-IN-1 PITOGO SUMMER ROAD RUN SA MAKATI
- Eddie M. Paez Jr.
- May 4, 2019
- 1 min read

GUGUNITAIN ang pagkakatatag ng Barangay Pitogo ngayong Linggo sa pamamagitan ng isang two-in-one na takbuhang “color at benefit run” na binansagang 2019 Pitogo Summer Road Run sa Lungsod ng Makati ganap na 5:30 ng umaga.
Masayang kapaligiran ang inaasahan sa karera dahil bukod sa zumba moves na pangungunahan ng isang zumba zin bilang warm-up para sa mga kalahok, may makukulay na pulbos na isasaboy sa mga mananakbo habang ginaganap ang karera, mayroon ding nakaposisyon na “photo booth” sa finish area ng event na magsisilbing advance “Mothers’ Day” celebration para sa mga “momshies” na tatakbo.
Bagamat may habang 2.5 kilometro lang, ang sports event ay magsisilbing benefit run para sa Blessed Pedro Calungsod Chapel. Tatahak sa mga kalye ng barangay na ito sa Makati. Ang race course ay inilatag sa mga uphill at downhill stretches.
Pasadyang mga tropeo ang iuuwi ng magkakampeon sa men’s at women’s divisions samantalang ang mga medalya ay naghihintay sa iba pang mga mapapabilang sa podium ng patakbong sinusuportahan ng lokal na pamahalaan ng Brgy. Pitogo.
Mag-uuwi ng finisher’s certificate at loot bags ang makakukumpleto ng patakbong isinasaayos ng EMPJR Events Management at ng Pitogo Fitness Club.





Comments