top of page
Pokwang.jpg

Uncle arestado | 14-ANYOS KINATAY

Maeng Santos
May 3, 2019
1 min read

TADTAD ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan nang matagpuan ang 14-anyos na dalagita sa loob ng bahay ng kanyang tiyuhin sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga.

Ayon kay Valenzuela Police Chief P/Col. David Nicolas Poklay, dead-on-arrival sa Valenzuela City Emergency Hospital si Clarisse Joyce Marcelo, ng Bgy. Malanday sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Nasakote naman ng mga tauhan ng Valenzuela Station Investigation Unit sa follow-up operation ang tiyuhin ng biktima na si Rusty Marcelo, 30, na itinuturing bilang pangunahing suspek sa pagpatay.

Sa nakarating na ulat kay Col. Poklay, nadiskubre ang katawan ng biktima ng kanyang tiyahin na si Rosario Marcelo-Tumibay sa loob ng bahay ng suspek, alas-9:30 ng umaga na duguan.

Humingi ng tulong si Rosario sa ama ng biktima na si Danilo bago dinala ang kanyang anak sa naturang pagamutan.

Ayon sa pulisya, huling nakita ang biktima na kasama ng kanyang tiyuhin na si Rusty habang patuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy ang tunay na motibo sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page