top of page
Search
  • BULGAR

Todo-banat sa China at kay P-Digong | Galawan ng mga dilawan, buking na pinopondohan ng U.S.

ANG mga online news website na galit kay Pangulong Rodrigo Duterte ay tumanggap sa gob­yerno ng Estados Unidos ng P74 milyon. Bawat taon umano ay may pumapasok na pera mula sa mga Amerikano para mapabagsak ang administras­yong Duterte.

Idinaraan umano ang pera sa pamamagitan ng U.S. Agency for International Development (USAID). Nagkukunwari ang ahensiyang ito na tumutulong daw sa mahihirap na bansa, pero maitim naman ang balak.

Magaling sa ‘operasyong propaganda’ ang mga Amerikano. Marami silang alam na taktika kung saan babaluktutin ang impormasyon para masira ang reputasyon ng pulitiko.

Sino sa palagay ninyo ang nagkalat na libu-libong Pilipino ang ipinapapatay daw sa kampanya kontra iligal na droga ng administrasyon? Sino ang nagkaka­lat ng maling balita na nabili at magiging probinsiya na raw tayo ng China?

Sino pa kundi ang mga online news website at organization na Rappler, Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), Vera Files at Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR). Ang mga ito ay pinopondohan daw sa pamamagitan ng malawak na makinarya ng US.

Todo-deny pa ang mga ito na hindi raw sila tumatanggap ng pera mula sa US government at private funding lang daw. Ngek-ngek n’yo, buking na kayo!

Mula mismo sa website ng USAID makikita na naglalabas ito ng pondo para sa dilawang online news website na idinaraan nila sa US Department at pati na rin sa National Endowment for Democracy (NED).

Ang ganda ng pangalan ng NED, ano? Bibilib ka, akala mo talagang ipinaglalaban ang demokrasya. Alam ba ninyo na ginagamit ng CIA ang NED?

Ang founder ng NED ay si Allen Weinstein, ito mismo ang nagsabi na ang gawain ng NED ay tulad ng ginagawa noon ng Central Intelligence Agency (CIA) na humuhubog ng opinyon ng mga tao sa mga “target” nilang bansa.

Narumihan ang reputasyon ng CIA matapos ang ilang ulit na pakikialam nito sa ibang bansa tulad ng mga bansa sa Middle East at ngayon ay ang Pilipinas.

Kaya kinailangan ng mga Kano ng bagong makinarya upang maimpluwensiyahan ang mga tao, lalo na kung ang lider ng bansa ay makabayan at hindi “tuta” ng mga Amerikano.

Ang bagong makinarya ay walang iba kundi ang mga dilawang online news website sa pangunguna ng Rappler.

Naintindihan na ninyo kung bakit galit ang U.S. kay Pangulong Duterte? Dahil hindi tulad ni ex-P-Noy, hindi sunud-sunuran si Pangulong Duterte sa mga gustong mangyari ng U.S. sa Asya.

Karibal ng U.S. ang China sa kapangyarihan sa Asya. Kahit hindi sila parte ng Asya, gusto nilang sila pa rin ang bossing, ayaw nilang umangat ang China.

‘Yun, itinodo ang kampanya nila laban sa China at kay Pangulong Duterte. Alam nilang hindi nila kayang diktahan ang pangulo kaya sisiraan na lang nila ito gamit ang mga bayarang online news web­site.

Ang Rappler ay maraming kasong hinaharap ngayon dahil sa pagtanggap umano nito ng pera mula sa dalawang Amerikanong kumpanya, ang North Base Media at Omidyar.

Ayon sa ating Konstitusyon, bawal ang pagpasok ng mga foreigner at kanilang pera sa media ng Pilipinas.

May isinampa na rin ang Department of Justice (DOJ) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na tax evasion case, tax fraud, cyber libel at iba pang kaso laban sa Rappler at sa iba pang mayabang na editor nito, ang U.S. citizen na si Maria Ressa.

Ang bansa natin ay sovereign nation. Ibig sabihin, ang mamamayan at ang lider na inihalal lang nating ang may karapatang magdesisyon ng ating mga polisiya at programa.

Naiintindihan ba ito ng mga taga-Rappler at iba pang dilawang media? Hindi. Masaya silang maging “tuta” ng mga Amerikano.

Sunud-sunuran sila sa utos ng U.S. na pabagsakin si Pangulong Duterte sa pamamagitan ng pagkakalat ng maling impormasyon at iba pang pekeng balita.

Nangangarap silang makumbinse ang militar na magkudeta o magtayo ng grupo tulad ng Reform the Armed Forces Movement (RAM) upang mag­karoon ng “EDSA 4”.

Sino ba ang Vera Files? “Fact-checker” daw ito ng Facebook, pero tumatanggap ng pera mula sa NED-CIA (P6.5 milyon noong 2016-2017) at pati na rin sa Asia Foundation (P2.2 milyon) na isa rin daw “conduit” o “instrumento” ng CIA para lokohin ang taumbayan.

Sabi ng isang opisyal ng US Department tungkol sa NED, ang ginagawa namin ay inililihis ang mga ginagawa noon ng CIA, patungo sa organisasyong maganda ang pangalan. Ang pagbuo ng NED ay ‘masterpiece’ ng politika at public relations.”

Ang PCIJ naman ay tumanggap umano ng P25 milyon mula sa USAID na taun-taon ibinibigay. Ang pondong ito ay ginagamit ng kanilang mga manunulat upang makagawa ng artikulo (imbestigasyon kuno) na magpapabagsak sa mga kaaway ng dilawan.

Ano ang CMFR? Apat lang daw ang tao sa website na ito, pero sila ang may pinakamalaking perang nakukuha mula sa USAID-NED-CIA na umaabot sa P35 milyon.

Ang pinuno nito mula pa noong 1989 ay si Me­linda Quintos de Jesus, kapatid ng “peace adviser” ni ex-P-Noy na si Teresita “Ging” Quintos-Deles, ang nag-udyok daw kay ex-P-Noy na huwag galawin ang mga rebeldeng Muslim na pumatay sa SAF 44 sa Mamasapano.

Si Melinda ay asawa ni Edilberto de Jesus, dating adviser sa gabinete ni ex-P-Cory. Dilawang-dilawan, hindi ba?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page