SANTOS, 4 GOLD SA PALARO ARTISTIC GYMNASTICS DAVAO
- BULGAR

- May 3, 2019
- 1 min read

KUMALAWIT ng apat na ginto si Gail Santos ng Central Luzon sa elementary girls women’s artistic gymnastics sa 2019 Palarong Pambansa sa Davao City.
Nagwagi ang 9-year-old at Grade 3 mula sa Patubig Elementary School sa Marilao, Bulacan sa Cluster 1 Individual All-Around (75.800), vault (19.300), balance beam (19.050), at floor exercise (18.950). “Pangarap kong maging Olympian at gusto ko rin maging coach sa gymnastics kaya po pinag-iigihan ko ng husto,” sabi ni Santos.
May tsansa sanang maka-limang gold si Santos pero pumiglas ito sa uneven bars at nakuntento sa silver.
Nakopo ni Cielo Andrea Esliza ng NCR ang ginto matapos umiskor ng 16.800 laban sa 16.550 ni Santos. Sumungkit ng tatlong gintong medalya si Jasmine Jane Velasquez at Jeanne Adeline Consunji ng NCR.
Sa archery, apat na gold medals ang nakulimbat ni Jason Emmanuel Feliciano kabilang ang dalawang bagong record para sa Region I o R1AA para sa boys secondary habang apat din ang nahablot ni Crisha Merto ng R VII – CVRAA. (ATD)





Comments