top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

PAGRESBAK NG CARGO KUNIN ANG PSL CROWN

Writer: BULGAR
BULGAR
May 3, 2019
2 min read

MATAMIS na pagresbak kung maituturing para kina imports Lindsay Stalzer at Maria Jose Perez ng F2 Logistics ang kanilang panalo laban sa Petron Blaze Spikers sa Game 1 ng Philippine Superliga Grand Prix best-of-three finals series.

Aminado si Stalzer na matagal na nila itong pinaghandaan para makuha ang pinakamalaking upset sa league history at tinalo nga ang Blaze Spikers, 25-20, 16-25, 25-23, 25-23, sa opener ng kanilang finals showdown noong Martes ng gabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Sinabi ng dating Bradley University star na ang panalo ay isang paghihiganti makaraang na palagdain ng Blaze Spikers sina super imports Stephanie Niemer at Katherine Bell sa off-season sa kabila ng sila ang nag-reyna sa Grand Prix noong 2018.

Magpapanagpo pa sa Game 2 ang Cargo Movers at Blaze Spikers. Ang panalo ng F2 Logistics ay isang titulo na sa Grand Prix habang ang panalo ng Petron ang magpapalawig para sa rubber match sa Sabado sa parehong venue.

“I feel really good,” ani Stalzer makaraang maging unang team na dinungisan ang imakuladang marka ng Petron, 17-0 mark sa conference.

Sinabi ni Stalzer, nang kanyang palitan si Becky Perry ng nakaraang 2 buwan, nais niyang magwagi kontra sa dating team at pamunuan ang Cargo Movers para sa titulo. “It has been on my mind since I came over,” aniya. “But during the game, I’m just focussed on getting the win.”

Pero iba ang motibasyon kay Perez. Makaraang mamuno sa Cargo sa isang dramatikong come-from behind win noong 2017, matinding sama ng loob ang nangyari kay Perez nang agawan sila ng korona nina Stalzer, Hillary Hurley at ng buong Blaze Spikers nang sumunod na taon.

Ito ang kanyang ikatlong finals battle kontra Blaze at aminado si Perez na nais niyang matiyak na ang titulo ay muli nilang mabawi. “This is my third finals against Petron and I’m really motivated to get the win because this is the reason why I decided to come over,” ayon kay Perez, miyembro ng Venezuelan national women’s volleyball team.

Sinabi pa ni Perez na maglalaro sila nang walang pressure, dahil ang Blaze Spikers ay mahusay ding rumesbak. “We are working point by point, set by set,” aniya. “Just enjoy the process and the result is going to come.” (VA/MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page