top of page
Pokwang.jpg

Pagkumpiska ng mga ipinagbabawal na kagamitan sa paliparan

Writer: BULGAR
BULGAR
May 3, 2019
2 min read

Dear Chief Acosta,

Nagbakasyon sa aming probinsiya ang aking pinsan dahil piyesta ngayong Ma­yo. Dahil ilang araw lang ang pinayagang leave sa kanya, nag-erop­lano raw siya upang ma­pabilis ang kan­yang biyahe. Ga­yun­man, nang maka­ra­ting siya ay kinum­piska raw ang kan­yang dalang lighter. Nais naming mala­man kung maaari bang kumpiskahin ng airport security ang lighter kahit nakala­gay na­man ito sa loob ng kanyang bagahe? Ang katwiran niya ay hindi siya pamilyar sa ganitong polisiya dahil first time pa lamang niyang maka­sakay sa eroplano.— Julius

Dear Julius,

Para sa inyong ka­alaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Republic Act No. 6235 o mas kilala bilang “An Act Prohibiting Certain Acts Inimical to Civil Aviation and for other purposes,” par­tikular sa Section 3 nito kung saan nakasaad na;

“It shall be unlawful for any person, natural or judicial, to ship, load or carry in any passenger aircraft operating as a public utility within the Philippines, any explosive, flammable, corrosive or poisonous substance or material.” [Binigyang-diin.]

Sang-ayon sa na­bang­git na probisyon ng batas, ipinagbabawal ang pag­dadala ng mga explosive, flammable, corrosive at poisonous na materyales sa loob ng eroplano at kabilang dito ang lighter. Maaaring kumpiskahin ang na­sabing mga ka­gamitan ng mga itinak­dang tauhan sa paliparan o airport security upang mapanatili ang kalig­tasan ng mga pasahero sa kabuuan ng kanilang biyahe.

Dahil dito, ang dala-dalang lighter ng iyong pinsan ay maaaring kumpiskahin sapagkat naglalaman ito ng flammable liquid.

Nawa ay nasagot namin ang inyong kata­nungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay naka­base sa inyong mga naisa­laysay sa inyong liham at sa pagka­kaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung may­roong karagdagang impormas­yong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtiti­wala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page