top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Negosyante nabaril ang sarili, patay

Madel Moratillo
May 3, 2019
1 min read

PATAY ang isang negosyante matapos aksidenteng mabaril nito ang sarili sa loob ng banyo sa kanyang tinutuluyan sa San Juan City, noong Lunes ng umaga.

Sa ulat ng San Juan City Police, kinilala ang biktima na si Victor Villavicencio, 67, negosyante.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, bumisita ang anak ni Villavicencio na si Victor Sixto Jose Villavicencio sa tinutuluyan ng ama nito sa Kennedy St., Bgy. North Greenhills nang magpaalam itong magtutungo sa banyo.

Maya-maya ay nakarinig umano ito ng putok ng baril at nang tingnan ay nakita niya ang kanyang ama na may tama ng bala.

Sa tulong ng iba pang kasama sa bahay, naisugod sa ospital ang biktima ngunit, idineklara ring patay ng mga doktor.

Nakuha ng SOCO sa crime scene ang baril na may magazine na may isang bala at isang magazine na may 11 bala at basyo ng bala ng cal. 9mm.

Patuloy na ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page