top of page
Pokwang.jpg

Livelihood training na hatid ng PCUP, abangan!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 3, 2019
2 min read

MISYON ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa ating maralitang kababayan na magsilbing “tulay” sa pamahalaan sa pagbubuo ng polisya at programang kapaki-pakinabang para rito, lalo na sa pag-access ng basic social services, asset reform, human development at livelihood and employment.

Para sa inyong kaalaman, ang PCUP ay tumutulong sa atin upang magkaroon tayo ng mga serbisyo na maaaring ikauunlad ng pamumuhay ng mamamayan tulad ng isyu natin ngayon.

Tanong: Magandang araw, Sir Alvin! Ako si Teresa, 49 years old at taga-Cebu. Ingat-yaman ako ng urban poor association sa amin. Gusto sana naming magkaroon ng livelihood para sa kababaihan o out-of-school youth sa aming lugar upang ang kita rito ay makadagdag sa pang-araw-araw na gastusin. Maraming salamat!

Sagot

Magandang araw din, Teresa, at sa inyong samahan! Ang ating ahensiya sa PCUP ay tumutulong sa samahang-maralita upang maka-access at makatanggap ng livelihood assistance sa ating partner agencies.

Mayroon tayong Livelihood Unit kung saan tutulungan tayong makipag-partner sa funding agency, turuan sa pagsulat ng business project proposal, ayusin ang implementasyon ng proyekto at i-monitor ang progress ng nasabing project para siguraduhing sustainable ito at matagumpay.

Ilan sa mga livelihood training na inilapit na sa atin ay tilapia cultivation sa malalaking imbakan ng tubig, meat processing, dress making, soap and detergent making at bigasang bayan. Para maka-avail ng ganitong klaseng serbisyo, maaari tayong sumulat sa PCUP sa 4th flr. DHC Bldg., 1115 EDSA, Project 7, Quezon City kalakip ang buong detalye ng inyong request at inyong contact number.

Maaari rin nating isabay ang pagpapa-accredit ng ating samahan sa PCUP para sa iba pang benepisyo na maaari nating matanggap mula rito.

Kung kayo ay mayroong katanungan o suhestiyon, maaari kayong mag-email o sumulat sapcup.media2019­@gmail.com, sa Official Face­book Page na www.­facebook.com/pcupPH at gamitin ang hashtag na #PCUPatyourService. Maaari rin kayong bumisita sa ating tanggapan sa PCUP Office, 4th floor DHC Bldg., 1115 EDSA, Project 7, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page