top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

'Last minute attack'ng mga kandidato, inaabangan na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 3, 2019
  • 1 min read

IKINABABAHALA ang pagdami ng mga Chinese sa bansa.

Ang isyung ‘yan ay panahon pa ni Limahong!

◘◘◘

INIISA-ISA na ang mga tropa ni “Bikoy”.

Hala, nadale kayo!

◘◘◘

UMATRAS na si Rep. Rudy Fariñas sa pagka-gobernador ng Ilocos Norte.

Wala nang kalaban ang anak ni Madame Imee na si Matthew Manotoc!

◘◘◘

ANG pag-atras ni Fariñas ay papabor sa kandidatura ni Gov. Imee.

Malaking “peak” ito at pagpapataas ng moral ng Pamilya Marcos!

◘◘◘

SA aktuwal, hindi nawawala sa Magic 12 si Gov. Imee sa lahat ng senatorial survey.

Imbes na bumaba, umaangat pa siya sa huling 10 araw ng kampanya!

◘◘◘

KUNG susuriin, higit na epektibo ang kampanya ni Gov. Imee kaysa sa diskarte ng kampanya ng kanyang kapatid na si dating Sen. “Bongbong” Marcos nang ku­mandidato sa Senado.

Malamang, mas masipag at madiskarte ang kanyang team!

◘◘◘

Sa Maynila, hinihintay ng mga botante ang “last minute attack” ni Pareng “Erap”.

Kapag hindi siya magpapakita ng “kakaiba” sa huling 10 araw, masama ang ending ng kanyang political career!

◘◘◘

DAPAT pinaghahandaan na ang malakas na lindol na binansagang “the big one”.

Pero, ngakngak lang ang kanilang preparasyon!

◘◘◘

PAANO raw ito dapat pinaghahandaan?

Aba, tularan natin ang nakaraan, gumawa tayo ng dambuhalang arko para sa pambihirang tsunami!

◘◘◘

PAGHANDAAN din dapat ang pagbagsak ng dambuhalang asteroid.

Lindol at malaking baha ang mararanasan dito!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page