Intel report na pinopondohan ng bilyun-bilyong piso, sa FB at text lang kinukuha?!
- BULGAR

- May 3, 2019
- 1 min read
BILYUN-BILYON ANG INTEL FUND NI P-DUTERTE, PERO INTEL REPORT, SA FACEBOOK AT TEXT LANG KINUKUHA —Dahil sa kapipilit ng media kay Presidential Spokesman Salvador Panelo kung kanino nagmula ang matrix ng “Oust Duterte Movement” na kinasasangkutan daw ng mga journalist at abogado, napilitan ang Presidential Spokesman na aminin na ang “matrix” ay nagmula sa “text messages” sa kanya ng hindi kilalang tao.
Pambihira, bilyun-bilyon ang intelligence fund ni P-Duterte tapos kung hindi sa post sa facebook, eh, sa text message sila kumukuha ng intel report, buwisit!
◘◘◘
OFWs SA LIBYA, HANDANG MAMATAY SA GIYERA, HUWAG LANG SA GUTOM —Sa kabila ng panawagan ng Duterte government sa mga OFW sa Libya na umuwi na sa Pilipinas upang hindi malagay sa panganib ang kanilang buhay sa civil war na nagaganap ngayon sa bansang ito, hindi natinag ang mga OFW at ayaw pa rin umuwi ng mga ito sa Pilipinas.
‘Ika siguro ng mga OFW, hindi baleng mamatay sa civil war, huwag lang mamamatay sa gutom sa Pilipinas, period!
◘◘◘
MGA RAKET NI “TITA”, SA CALAMBA CITY—Bukod sa video karera, may raket na rin daw na bookies at lotteng si “Tita” sa Calamba City, Laguna.
Kung totoo ito, sobrang dami na pala ang raket ng iligalistang ito sa jurisdiction ni Mayor Timmy Chipeco, buwisit!





Comments