CERVEZA ROSAS VS. SMOKIN SATURDAY
- Ding Taboy
- May 3, 2019
- 2 min read

MAGKAKAHARAP ngayon sa pitong karera ang Additional One Win in Group Races kasabay ng pagtikada ng Condition Race at Group Race sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas ngayong gabi.
Laban na umaatikabo ang magaganap sa Race 1, na pinapaboran ang Congrats Sister at Miss American Pie.
Sa nasabing race, may panalo ang couple entry na Sorsogon Bay, Mount Bulusan, King Curry at Blue Orchid.
Sa Race 2, kung saan magaganap ang Pick 6, pinapaboran ang Dangerous Willie at Simply Believe isama ang Boundary, Felicity at Rianna. Magaganap ang Pick 5 event sa Race 3 at pinapaboran ang Clear Talk at makakalaban ang Stay Ready at may panalo ang Summer Cruise at Prince Uno. Ipinapatok ang Takdang Panahon, habang panegunda ang couple entry na Victory Dance at Feastful at couple entry na Latest Model at Heart and Soul sa Race 4.
Sa Race 5, magkakaharap ang mga kabayong Oh Neng, Mount Pulag, St. Suswa Holy Bullea at couple entry na Milky Way at More Stripes. Pinapaboran ko ang Mount Pulag at Oh Neng. Makakalaban ng mahigpit ang Cerveza Rosas at Smokin Saturday sa Group Race 5-6 sa Race 6.
Magkakaharap ang couple entry na Suzie at I Love Henry, Crystal Creek at Royal Chica, isama ang Little Kitty bilang parating sa WTA, Pick 6, 5, at Pick 4 sa Race 7.
Tip ni Mang Ding Race 1-Congrats Sister (2) Miss American Pie (1) Race 2 -Dangerous Willie (6) Simply Believe (3) Race 3- Clear Talk (6) Stay Ready (2) Race 4-Takdang Panahon (5) Laughing Tiger (7) Race 5- Oh Neng (2) Mount Pulag (6) Holy Bullea (1) Race 6- Cerveza Rosas (6) Smokin Saturday (5) Race 7- Entry No. 7 Crystal Creek (5) Royal Chica (9) Little Kitty (10)





Comments