top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

4 menor-de-edad ginagamit na shabu courier

Jeff Tumbado
May 3, 2019
1 min read

NASAGIP sa operasyon ng Cebu City Police Office (CCPO) ang apat na menor-de-edad na ginagawang drug courier ng sindikato sa kalakaran ng iligal na droga.

Ito ay kasunod ng ginawang raid ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Mambaling Police Station sa Sitio Puntod sa Bgy. Mambaling, Miyerkules ng gabi matapos makatanggap ng sumbong na may mga batang pinagdadala ng iligal na droga sa lugar.

Ang nailigtas na mga bata ay nasa pagitan ng edad 12 hanggang 15.

Sa naturang operasyon, nakuha sa mga biktima ang 63 pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P24,000.

Ayon kay Police Captain Francis Renz Talosig, ang apat na menor-de-edad ay hindi residente ng nasabing barangay. Umamin ang isa sa mga bata na binabayaran sila ng P600 kada araw bilang drug courier.

Tukoy na ng mga awtoridad ang partikular na grupo na nasa likod ng eksploytasyon sa mga batang biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page