top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

2 bebot niratrat, todas

Mylene Alfonso
May 3, 2019
1 min read

KAPWA may mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang babae na natagpuang walang buhay, kahapon ng madaling-araw sa Baseco Compound, Port Area, Manila.

Kinilala ni PMSg. Julius San Pedro ang mga biktima na sina Almira Patata at isang Reynalyn, na bisita umano ni Patata.

Alas-4:00 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ng dalawang biktima sa isang bahay sa Blk.15, Baseco Compound, Port Area.

Ayon sa barangay tanod na si Mariel Ramirez, kararating lamang umano ng dalawa sa lugar nang mangyari ang pamamaril.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng gunman at posibleng motibo sa pagpaslang sa dalawa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page