top of page
Pokwang.jpg

WTA CARRY OVER PENTAFECTA AT SUPER 6

Ding Taboy
May 2, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

BUBUHOS ngayon ang carry over sa Winner Take All (WTA), Pentafecta, Quartet at Super Six na inaasahang magbibigay ng magandang dividendo sa bawat tatayaan ng bayang karerista sa Metro Manila Turf Club, Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas, ngayong gabi.

Dahil sa Carry Over, hindi malayong magkade­ha­duhan sa WTA na mag­sisimula ng Race 1, kasabay na bibitawan ng Quartet at Pentafecta na kapwa carry over. Pinapaboran ang Win­ning Move habang bahag­yang napipisil ang Magic Square at napipisil din ang Princess Tin, Wild Talk, Ba­licasag at Show The Whip na isasama sa Quartet at Pen­tafecta.

Sa Race 2, kasabay ng panimula ng Pick 6, pinapa­boran ang Cleave Ridge, habang pangalawa ang Lockdown at Yes All Wee Bet.

Ipinapatok ang Crowned Prince habang magsisilbing kalaban ang Santiago’s Pride at Lady Benevolentia sa Race 3, kung saan mag-uumpisa ang Pick 5. Ma­gandang dehado ang couple entry na Fantastic Red at All By My Self, habang ang Red Lion, Mother Secret at Hold Me Tight Baby ang siyang makakalaban sa pag-alagwa ng Condition race 21 sa Race 4.

Sa Race 5, nakala­la­mang ang Melvin The Man, habang makalalaban ang Batang Baclaran, Prin­cess Arianna at Morning Girl. Nakalalamang ang couple entry na Its My Birth­day at Dragon Fire, habang pane­gunda ang Sweetness, Ma­ra­huyo at Rafa sa Race 6.

Sa Race 7, nakalala­mang ang Casino Sharp habang ang Cats Dream ay magsisilbing kalaban at ang Jade’s Treasure at Sta. Mo­nica One ay mainam na pan­dehado sa paratingan sa WTA, Pick 6, Pick 5 at Pick 4. Tip ni Mang Ding: Race 1 Wild Talk (1) Winning Move (4) Balicasag (8) Race 2-Lockdown (4) Cleave Ridge (3) Yes All Wee Bet (2) Race 3- Crowned Prince (3) Santiago’s Pride (7) Race 4- Entry No.4 Red Lion (7) Mother Secret (6) Race 5- Melvin The Man (7) Batang Baclaran (4) Princess Arianna (6) Race 6- Entry No.2 Sweetness (7) Rafa (1) Race 7- Casino Sharp (9) Cats Dream (6)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page