top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

WARRIORS, 2-0 NA HARDEN, INJURED

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 2, 2019
  • 2 min read

MAANGAS talaga itong si Kevin Durant dahil namuno siya sa balanseng atake na 29 puntos kahapon nang umangat na naman ang Golden State Warriors sa 2-0 sa Western Conference semifinals series laban sa Houston Rockets sa bisa ng 115-109 na panalo sa Oakland, California sa NBA 2nd round playoffs game kahapon.

Parehong nagtamo ng injuries sina Warriors star Stephen Curry at Rockets star James Harden sa naturang laban. Matapos ang tatlong araw na pahinga, ang West semifinals ay darako naman sa Houston sa Sabado at Lunes.

Sa ikalawang sunod na laro, ang lahat ng limang starters ng Warrios ay umiskor ng dobleng pigura, kabilang si Curry na napilayan ang daliri sa kaliwang kamay sa unang bahagi ng laro pero nanatiling nakagawa ng 20 puntos.

Tila hindi ininda ni Curry ang kanyang injury matapos makabalik sa paglalaro, pero iba kay Harden na nakalmot ang kaliwang mata matapos na magsalpukan sila ni Curry. Nagtapos si Harden na may game-high 29 puntos pero madalas na napapapikit at nakukuskos ang kanyang mga mata pagbalik-aksiyon.

Sinamantala ng Warriors ang pagtatala ng 18 offensive rebounds at 24 points sa nagawang 18 turnovers ng Rockets upang dominahin ang Houston sa 51-33 ng kanilang tres puntos. Si Durant na may 35 points sa home win ng Golden State noong Linggo, ay bumanat ng husto sa Game 2.

Tumulong si Klay Thompson ng 21 points at may 16 si Andre Iguodala para sa Golden State. Impresibo rin si Warriors forward Draymond Green sa all-around game na may 15 points, 12 rebounds at seven assists.

Samantala sa iba pang laban, umiskor si Giannis Antetokounmpo ng 15 sa kanyang kabuuang 29 points sa third quarter habang ang top-seeded Milwaukee Bucks ay nakadale ng 123-102 victory kontra Boston Celtics upang pumatas ang serye sa Eastern Conference semifinal na may tig-isang panalo sa laro. Ang game 3 ay sa Biyernes ng gabi sa Boston. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page