top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Tamang edad upang makakuha ng board exam sa social work

Writer: BULGAR
BULGAR
May 2, 2019
2 min read

Dear Chief Acosta,

Maaga akong nagsimulang makapag-aral kaya 19 years old lang ako nang naka­pagtapos ng Bachelor’s Degree in Social Work. Nais ko sanang kumuha ng board exam upang magamit ko agad ang napag-aralan ko ngunit, nang nagsusumite na ako ng requirements para makakuha nito, sinabihan ako ng empleyado roon na kinakailangan daw na ako ay 21 years old bago makakuha nito. Gusto kong malaman kung tama ba ito o sang-ayon ba sa batas ang sinabi sa akin ng empleyado? — TJ

Dear TJ,

Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Section 2 ng Republic Act No. 10487 o mas kilala bilang “An Act Lowering the Age Requirement for Applicants Taking the Board Examination for Social Workers, Providing for Continuing Social Work Education, and Upgrading the Sundry Provisions Relative to the Practice of Social Work” na:

“SECTION 2. Section 12 of the same Act is hereby further amended:

“SEC. 12. Qualification of Applicants. – In order to be admitted to take the social work examination, an applicant must at the time of filing of application therefor:

(a) Be a citizen of the Philippines;

(b) Be at least eighteen (18) years of age;

(c) Be in good health and of good moral character; xxx” (Binigyang-diin)

Samakatwid, malinaw sa nasabing batas na ang kinakailangan lamang na edad upang makakuha ng board exam sa social work ay labingwalong (18) taong gulang kaakibat ang iba pang mga requirement para sa propesyong ito.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page