top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

'Pinas, umaangat nang todo, hmmm...

Writer: BULGAR
BULGAR
May 2, 2019
1 min read

UMAANGAT nang todo ang ekonomiya ng Pilipinas sa pamamahala ni P-Digong.

Klap-klap-klap!

◘◘◘

EPEKTIBO ang economic policy ni P-Digong.

Epektibo rin ang kanyang taktika kontra krimen!

◘◘◘

NAKATULONG ang pag-endorso ni P-Digong sa kanyang mga kandidato.

Kitang-kita ito sa pagpasok sa Magic 12 ng kanyang mga ‘pambato’!

◘◘◘

Sa huling senatorial survey, 8 kandidato ni P-Digong ang nakapasok sa Top 12.

Pambihira ang ganitong klase ng performance!

◘◘◘

HINDI naman napahiya si P-Di­gong sa pag-endorso dahil hindi lang sila basta nakipag­sa­bayan sa debate sa mga betera­nong pulitiko, bagkus, pinakain nila ng alikabok.

Master ng mga kandidato ang topic, lalo na ang pagsugpo sa kriminalidad!

◘◘◘

WALANG alam ang oposisyon kung pag-uusapan ang peace and order.

Puro “ngakngak” lang ang mga kritiko!

◘◘◘

HINDI nalalayo ang dating PNP chief na si Sen. Panfilo “Ping” Lacson kay ex-Gen. Ronaldo “Bato” dela Rosa dahil forte nito ang krimen.

Ang pagsugpo sa krimen ang magpapa­nalo sa kanila sa Se­nado!

◘◘◘

KAILANGAN lang nitong palutangin ang kanyang unang ipinangako na hindi rin siya tatanggap ng pork barrel tulad ni Sen. Lacson.

Kontra sa korupsiyon si Sen. Lacson, kontra naman sa krimen si “Bato”!

◘◘◘

‘Yan ang titiyak sa puwesto sa Senado ang pagkontra sa iligal na droga at pork barrel.

Period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page