top of page
Pokwang.jpg

Panawagan sa mamamayan, personality quiz sa social media, tigilan!

Ryan B. Sison
May 2, 2019
2 min read

NAKATUTUWA naman talagang ma­laman kung sino ang maaari nating ma­pangasawa, kailan tayo ikakasal, anong hitsura ng magiging anak natin, kailan tayo yayaman at marami pang iba na ngayon ay madali nang makikita sa social media dahil sa mga “personality quiz” na ginawa ng iba’t ibang application.

‘Yun nga lang, ang tanong, safe ba ito? Hmmm…

Matatandaang, marami nang insidente ang nangyari dahil sa pagnanakaw ng impormasyon na nakukuha sa social me­dia na talagang nakababahala, lalo na at hindi natin alam ang motibo ng masa­samang-loob.

Gayunman, sinabi rin ng mga eks­perto pagdating sa mga ganitong bagay na kapalit ng nakawiwili at nakaaaliw na mga quiz na ito ay unti-unting nananakaw ng ibang tao ang ating personal informa­tion na hindi natin gugustuhin dahil seguridad natin ang nakasalalay dito.

Kaya ang panawagan natin sa lahat na hanggang ngayon ay tinatangkilik pa rin ito, mainam na mag-ingat nang sa gayun ay hindi mapahamak.

Dagdag pa rito, palagi nating tatanda­an, kung ano ang mga benepisyong nai­dudulot ng paggamit ng social media sa ating buhay ay may kapalit din itong panganib kaya dapat tayong maging handa.

‘Ika nga, huwag tayong magpapaloko sa mga bagay na sa una lang masaya, pag­katapos ay maaari ka rin palang sak­tan, hugot!

Samantala, ang payo natin sa pub­liko, huwag tayong masyadong magpa­kain sa sistema ng teknolohiya at kung kayang balansehin, gawin!

Gayundin, mas mabuti nang nag-iingat kaysa magsawalambahala para sa huli, hindi tayo maging kaawa-awa!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page