Palasyo sa pagdagsa ng mga dayuhan sa ‘Pinas | MGA PINOY NA DOKTOR, NAGPUPUNTA RIN NAMAN SA IBANG BA
- Mylene Alfonso
- May 2, 2019
- 1 min read

PAYAG ang Palasyo na imbestigahan ang pagdami ng dayuhang doktor sa bansa tulad ng ipinanukala ni Senador Richard Gordon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ito ay dahil wala naman silang nakikitang masama sa nais ng senador.
Bukod dito, mahalaga rin aniyang malaman kung bakit dumadagsa ang mga dayuhan at kung saang partikular na bansa sila galing.
“Unang-una, baka tayo rin ay may influx din ng mga doctor – nawawala rin sa Pilipinas. ‘Di ba, ang daming mga doktor na nagpupunta sa ibang bansa, baka kulang na tayo kaya nakakapasok sila?” ani Panelo sa press briefing sa Palasyo.
Gayunman, sinabi ni Panelo na marami rin namang doktor na Pinoy na nagpupunta sa ibang bansa.
“Kaya tama iyon, he should really investigate the whys and the wherefores of this influx of foreign doctors in the country para malaman natin,” sabi pa ni Panelo.
Matatandaang, nagbanta si Sen. Gordon sa pagdami ng mga dayuhang doktor sa Pilipinas dahil ito ay hindi naaayon sa reciprocity requirement ng Republic Act 2382 o Medical Act of 1959.





Comments