Pahabol sa Labor Day | P5 DAGDAG-SAHOD
- BULGAR

- May 2, 2019
- 1 min read

SA pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, inanunsiyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang dagdag-P5 sa arawang sahod ng mga manggagawa sa Bicol Region.
Ayon kay Johana Vi Gasga, information officer ng DOLE-Bicol, ito ay bahagi ng second tranche ng wage increase base sa Wage Order RBV-19 ng Regional Tripatite Wages and Productivity Board.
Dahil dito, ang bagong minimum wage rate sa rehiyon ay nasa P310 na.
Matatandaang, ang first tranche ay inilabas noong September 2018. (BRT)





Comments