top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Pagsisimula ng klase tuwing Agosto, napapanahon na!

Win Gatchalian
May 2, 2019
2 min read

NANINIWALA tayong panahon na upang iayon ang school calendar ng kolehiyo sa academic calendar na pang-internasyunal kung saan sa halip na tuwing Hunyo ang pagsisimula ng klase ay magsisimula ito tuwing Agosto.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas at Thailand na lamang ang mga bansang nagpapasimula ng klase sa nasabing buwan.

Iba-iba at hati ang pananaw ng mga tao tungkol sa ideyang ito kung saan may mga sumasang-ayon at mayroon ding hindi ngunit, kamakailan ay nagpalabas na si Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera III ng polisiya na lahat ng state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs), dapat nang ilipat ang kani-kanilang academic calendars sa Agosto simula School Year 2019-2020. Umaasa tayong susundin ito ng lahat ng mga paaralan sa buong bansa.

Ang pagbabagong ito ay naaayon sa Republic Act No. 7722 o Higher Education Act of 1994 at CEB Resolution No. 142-2019.

Dito nakasaad na lahat ng SUCs at LUCs ay inaatasang itapat na ang kanilang academic year sa Fiscal Year (FY) upang maging synchronized o tugma ang dalawang panahon.

Dahil sa pagpapatupad na ito, magkakaroon ang mga SUC at LUC ng internationalization sa ating mga global partner sa edukasyon sa ibang bansa.

Sa pamamagitan nito, lahat ng ating mga plano, proseso, produkto at serbisyo tungkol sa edukasyon ay madali nang maiaangkop ng ibang bansa sa kanilang sistema.

Sa kabilang banda, tayo rin ay makatutugon at matututo ng kanilang wika at kultura.

Daan ito para magkaroon ng palitan ng mga kaalaman at ideya sa teknolohiya ang mga guro at estudyante.

Higit pa rito, mabubuksan din ang pinto ng pakikipagtalastasan at palitan ng kaalaman, lalo na sa makabagong pamamaraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral at maging ng pagtuturo ng mga guro.

Lalawak maging ang pagkakataon sa pananaliksik at pagkadiskubre ng maraming bagay.

Mas lalawak din ang mga oportunidad para makapagpalitan ang mga bansa ng kanilang programa at proyekto.

Lalago ang kanilang kaalaman at pananaw na maibabahagi sa buong mundo. Higit sa lahat, tataas at gaganda ang ranggo sa performance ng edukasyon ng ating bansa.

Ilan lamang sa ating nabanggit ang tinatawag nating global competitiveness.

Positibo tayong sa pamamagitan ng unti-unting pag-aangat ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas, hindi na tayo kailangang maiwan pa upang makamit ang globalisasyon.

Para sa magandang kinabukasan ng susunod na henerasyon, dapat tayong sumunod sa agos ng pagbabagong ito.

May katanungan ka ba, reklamo o naisihingi ng tulong? Sumulat sa WIN TAYONG LAHAT ni Kuya Win Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City o mag-email sa surewin.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page