top of page
Pokwang.jpg

Microwave popcorn, canned goods, refined sugar etc…MGA PAGKAING NAKAKAKANSER, ALAMIN!

Ronalyn
May 2, 2019
4 min read

AYON sa World Health Organization (WHO), noong 2012, higit 14 na milyong tao ang naitalang mayroong kanser kung saan 8.2 milyon ang namatay. Ayon sa kanila, ang mga uri ng kanser na sanhi ng pagkamatay ay lung, prostate, colon, stomach, liver, cervix at breast.

Ang cancer ay seryosong sakit na lubhang nakaaapekto hindi lamang sa katawan at bulsa kundi maging sa mental, emotional at spiritual aspect ng tao.

Pero, ang kagandahan dito, maraming posibilidad na ito ay magamot, ngunit, sadyang may kamahalan at ang maisalang sa gamutan laban dito ay mahirap dahil hindi na nagagawa ng tao ang normal niyang pamumuhay sa araw-araw.

Lahat ng aspeto sa buhay ay maaaring sirain at wasakin ng kanser. Isa itong halimaw na mahirap itaboy at labanan. Ayon sa mga eksperto, ang pagkakaroon ng kanser ay sanhi ng hindi maayos na lifestyle at mga pagkaing nakasasama sa kalusugan, kaya sandamakmak ang mga artikulong nailathala tungkol sa mga pagkaing panlaban dito, pero, mga ‘tol, curious din ba kayo kung anu-ano ang mga pagkaing nakapagdudulot nito?

1. GENETICALLY MODIFIED FOODS (GMOFs). Ano ang ibig sabihin ng GMOFs? Ito ‘yung pangingialam sa genetic material ng mga halaman, pagkain o hayop. Ayon sa mga mananaliksik, ang GMO Foods ay madalas nakukuha sa mga fastfood. Upang mapabilis ang supply ng mga manok, ginagamitan nila ito ng mga kemikal, gayundin, ang supply ng kanilang bigas. Sa kasamaang-palad, ayon sa mga eksperto, mahigit 90% ng mga mais at palay sa bansa ay genetically modified na. Hu-hu-hu!

2. MICROWAVE POPCORN. Sadyang kaysarap ng popcorn, lalo na ‘yung mga nabibili sa mall, ‘di ba? Pero, sey ng tropa nating si Eitan Yefenof, chairman ng Lautenberg Center for Immunology and Cancer Research, ang popcorn na nabibili sa supermarket ay punumpuno ng artificial flavorings na may nakalalasong kemikal tulad ng diacetyl o artificial butter na maaaring magdulot ng lung cancer. Hala!

3. CANNED GOODS. Ayon sa pag-aaral, ang mga de-latang pagkain ay nahahaluan ng bisphenol-A (BPA) na taglay ng lata. Nagsagawa ang mga siyen­tipiko ng eksperimento kung saan gumamit sila ng daga upang malaman ang epekto ng BPA. Napag-alamang malaki ang epekto nito sa utak at maaari ring magdulot ng high blood pressure at brain cancer. Sinabi ni Dr. Anton Bilchik, professor of surgery at chief of gastrointestinal research, ang BPA ay maaaring magdulot ng breast at prostate cancer.

4. GRILLED RED MEAT. Hindi matatawaran ang sarap ng mga tuhug-tuhog tulad ng kwek-kwek, fishball, kikiam at samahan pa ng inihaw na hotdog at barbecue! Yum! Pero, alam ba ninyo, mga ‘tol, ayon sa mga siyentipiko, ang pag-iihaw ng mga processed meat tulad ng hotdog ay lubhang naka­sasama sa kalusugan? Anila, nababago ang molecular structure ng karne dahil sa pag-iihaw, kaya ito ay nakapagdudulot ng bowel o stomach cancer.

5. REFINED SU­GAR. Ayon sa author na si Ty Bollinger sa kanyang artikulong “Understanding What Causes Cancer”, ang high-fructose corn syrup o (HFCS) at refined sugar ang numero-unong dahilan ng pagkakaroon ng kanser. Aniya, kahit ang mga brown sugar ay hindi rin safe dahil refined white sugar lang din ang mga ito na hinaluan ng flavoring at food color. Ang mga insulin na napo-produce ng sugar sa ating katawan ang nagsisilbing pagkain ng mga cancer cell, kaya lalo itong lumalaki. Dahil diyan, binansagan ito ni Bollinger na “fuel source for cancer”.

6. SODA AND CARBONATED BEVE­RA­GES. Para sa mga eksperto, ito ay isa sa pinakapa­ngunahing dahilan ng kanser dahil bukod sa wala itong nutritional value, punumpuno ito ng HFCS at iba pang kemikal na maihahalintulad sa mga kemikal na matatagpuan sa panlason sa daga, kaya lubha itong nakasa­sama sa ating katawan.

7. WHITE FLOUR. Kapag ang harina ay dumaan sa proseso ng refining tulad ng mga harinang nabibili sa mga merkado at mall, nawawala ang nutrients nito. Bukod pa riyan, ginagamitan ito ng mga pampaputi tulad ng bleach at chlorine upang maging maganda sa paningin ng consumers. Ang white flour ay isang uri ng carbohydrate kaya ito ay nagiging sugar sa katawan. Dahil dito, halos kapareho ng epekto ng refined sugar ang magiging epekto ng white flour sa ating katawan.

8. PICKLED FOOD. Ito ‘yung mga pagkaing pine-preserve na nakalagay sa mga babasaging bote tulad ng nata de coco. Ayon sa National Cancer Institute, bukod sa punumpuno ang mga ito ng preservatives, nagtataglay din ito ng nitrates na naka­pagdudulot ng stomach, esophageal, thyroid at ovarian cancers.

9. HIGH SALTED FOOD. Sabi ng oncologist na si Victoria Manax, chief medical officer ng Pancreatic Cancer Action Network, ang mga maaalat na pagkain tulad ng masarap na french fries at potato chips ay dapat nating iwasan. Sadyang mapanukso talaga ang masasarap na bagay, noh? Pero aniya, ang labis na asin sa katawan ay nakapagdudulot ng high blood pressure, obesity, osteoporosis, cardiovascular disease, stomach, nose, throat at pancreatic cancers, lalo na ang mga nasa edad 50 pataas at ang mga mayroong diabetes.

Ayan mga tropa, now you know! Kaya hangga’t maaari, mas makabubuti kung iiwasan natin ang mga pagkaing nabanggit nang sa gayun ay maagapan natin ang pagkakaroon ng mga delikadong sakit tulad ng kanser.

Okay?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page