Maid ninakawan ang amo, tiklo

ARESTADO ang 49-anyos na kasambahay matapos umanong nakawin ang gintong bracelet ng kanyang amo sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Emma Villarino, tubong Buenavista, Marinduque at stay-in na kasambahay sa Bgy. 69.
Ayon kay Caloocan Deputy Police Chief for Aministration P/Lt. Col. Ferdie del Rosario, humingi ng tulong si Amerah Sarip, 32, businesswoman sa Caloocan Police Community Precinct (PCP) 2, alas-11:30 ng gabi matapos madiskubre na ang apat sa kanyang gintong bracelet na aabot sa P280,000 ang halaga na nakalagay sa loob ng kanyang safety deposit box ay nawawala.
Inimbitahan ng pulisya si Villarino na unang tumanggi hinggil sa pagkawala ng gintong bracelet ng kanyang amo subalit, sa isinagawang tactical interrogation, isa sa nawawalang gintong bracelet ay narekober ng mga pulis sa suspek.
Kasalukuyang nakapiit ang suspek habang hinihintay ang kaukulang kaso na isasampa sa kanya sa Caloocan City Prosecutor’s Office.





Comments