Kinita sa serye sa Siyete… KEN, MILYONES NA ANG GINASTOS SA SAKIT NG PADIR


HABANG iniinterbyu namin sina Ken Chan at Rita Daniela para sa My Special Love - #BoBreyinCONCERT ay dumating ang parents ni Ken kaya na-meet namin ang kanyang ama who is currently undergoing treatment for esophageal cancer.
That day ay naka-schedule raw magpa-chemotherapy ang ama pero na-cancel dahil nilagnat ito the previous night kaya sa halip ay sa presscon na lang tumuloy ang kanyang magulang.
Since na-diagnose ng cancer last year, nag-i-improve naman daw ang kondisyon ng kanyang ama.
“Getting better. Kaya happy din ako. Halos sabay sila ng My Special Tatay (ang serye niyang natapos last March), eh. Nu’ng na-diagnose po si Papa, umpisa pa lang po ng My Special Tatay.
“So, tumakbo ‘yung My Special Tatay nang 7 months, ngayon, si Papa nagki-chemo pa rin, sabay na sabay. Natapos ‘yung My Special Tatay, si Papa naman, patapos na ‘yung chemo niya.
“So, talagang blessing sa akin ‘yung My Special Tatay dahil du’n ako kumukuha ng panggastos ko para kay Papa, pang-chemo, so, sobrang ibinigay talaga ni Lord sa akin ang My Special Tatay for my dad.
“And ngayon naman, happy ako dahil getting better si Papa. Last 2 sessions na lang siya, and ‘yung sinasabi ng doktor sa amin, talagang lumalaban siya, and getting better,” sabi ni Ken.
Aminado naman ang aktor na talagang milyones na ang nagagastos niya pero okay lang ito sa kanya as long as gumaganda naman ang kondisyon ng ama.
Kaya thankful daw talaga siya sa GMA-7 na patuloy ang pagbibigay sa kanya ng project kaya nakakaya niyang tustusan ang sakit ng kanyang papa.
Tulad nga nito, after My Special Tatay ay concert naman ang kanyang next project. Gaganapin ang My Special Love - #BoBreyinCONCERT sa May 11, 7 pm sa Music Museum at marami raw silang inihandang pasabog ni Rita para sa kanilang mga fans.
Pagkatapos ng concert ay may US tour naman si Ken sa June. Although wala pa raw silang napag-uusapang detalye ng management para sa kanyang next drama series, sinabihan daw sila ni Rita na sila ulit ang magsasama dahil sobrang nag-click nga ang BoBrey love team nila sa My Special Tatay.





Comments