top of page
Pokwang.jpg

Hirit na P710 dagdag-sahod, sopla sa mga negosyante

Writer: BULGAR
BULGAR
May 2, 2019
2 min read

HIRIT NA P710 UMENTO SA SA­HOD NG MGA MANGGAGAWA, TABLADO SA MGA NEGOSYANTE— Kahapon, Labor Day ay sinabi ng negosyanteng si Sergio Ortiz-Luis, Jr., presi­dente ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na malabo raw matupad ang inihihirit ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na P710 umento sa sahod ng mga manggagawa.

‘Yan ang bad news na tugon ng ECOP sa mga manggagawa kahapon, Araw ng mga Mang­gagawa, hu-hu-hu!

◘◘◘

MGA “MANOK” NI P-DUTERTE SA ELEKSIYON, MALA­MANG, KAKABA-KABA SA BANTA NG MGA MANGGAGAWA—Dahil sa hindi pagtupad ni P-Duterte sa pangako noong 2016 Presidential Elections na tatang­ga­lin na niya ang kon­traktuwalisasyon na mas kilala sa tawag na ‘endo’ sa mga manggagawa ay nagbanta ang Kilusang Mayo Uno (KMU) na ibabasura nila ang lahat ng mga kandidato ng pangulo.

Milyun-milyon ang mga manggagawang botante at dahil sa ban­tang ‘yan ng KMU, tiyak na kakaba-kaba na ang mga kandidato ni P-Du­terte, boom!

◘◘◘

‘HIMALA’ NI BAM AQUINO, WALANG HIMALA NI NORA AUNOR—Matapos malaglag sa ranking sa latest survey ng Pulse Asia, sinabi ni re-elec­tionist Sen. “Bam” Aquino na naniniwala raw siyang may hima­lang mangyayari sa mga kandidato ng “otso diretso” pagsapit ng takdang halalan ngayong Mayo 13, 2019.

Sa sinabing ‘yan ni Sen. “Bam”, malamang, ang gamiting pangontra ng mga taga-PDP-Laban at “Hugpong ng Pagba­bago” ay 'yung litanya ni Superstar Nora Aunor sa pelikula na “walang himala”, boom!

◘◘◘

MATANDA NA, ‘UTAK-TRAPO’ PA RIN SI ENRILE—Ipinangako ni ex-Sen. Juan Ponce Enrile na kapag nahalal daw ulit sa pagka-senador ay isu­sulong niyang bumaba ang singil sa kuryente.

Patunay ‘yan na kahit uugud-ugod na sa katandaan si Enrile ay “utak-trapo” (traditional politician) pa rin siya kasi noong 2010 senatorial election, ‘yan din ang ipi­nangako niya na ibaba ang singil sa konsumo sa kuryente, pero nang manalo, imbes na bumaba, lalo pang tumaas, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page