Habang may concert | ISKUL NIRATRAT, 2 TODAS
NAGPATUPAD ng lockdown sa isang unibersidad sa North California matapos ang insidente ng pamamaril.
Nabatid na dalawa ang kumpirmadong nasawi habang apat ang sugatan.
Sa opisyal na Twitter account ng University of North California sa Charlotte, kinumpirma nito na mayroong nagaganap na pamamaril malapit sa Kennedy Building.
Gayunman, hinimok din nito ang mga mag-aaral at iba pang nasa campus na tumakbo at magtago kung kinakailangan.
Napag-alaman ng mga awtoridad na maraming mag-aaral ang nasa campus dahil mayroong concert.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang gunman.





Comments