top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

GAME 1 FINAL SA HOTSHOTS, BEERMEN, ‘DI NAKAPORMA

Writer: BULGAR
BULGAR
May 2, 2019
1 min read

DUMAAN sa butas ng karayom ang Magnolia Hotshots bago sinikwat ang 99-94 panalo kontra San Miguel Beer kagabi sa Game 1 ng PBA Philippine Cup best-of-seven finals sa Araneta Coliseum.

Naging matatag sa fourth period ang Hotshots upang makuha ang importanteng panalo at makauna sa serye. Parehong nagpakitang gilas ang dalawang koponan sa unang dalawang periods, nakauna ng Hotshots sa first canto, 34-30. Pero hindi nagpabaya ang four-time defending champion Beermen, tumungga ng 25-18 sa second upang maagaw ang bandera, 55-52 sa halftime.

Humarurot naman ang Pambansang Manok Magnolia sa simula ng third canto ng 8-0 upang maibalik sa kanila ang bentahe, 60-55 matapos isalpak ni Paul Lee ang fade away jumper may 9:41 minuto pa sa oras.

Nagpatuloy sa pagkahig ng Hotshots, kapit nila ang pitong puntos na abante, 80-73 papasok ng fourth quarter. Samantala, kahit may nararamdaman si 31-year-old wingman Marcio Lassiter ay naglaro pa rin ito para sa San Miguel. May back spasm si Lassiter, naramdaman niya ito sa Game 2 semifinals kontra Phoenix FuelMasters kaya medyo bawas ang kanyang minuto sa paglalaro. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page