top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bahay ginawang drug den | LOLA, 5 PANG TULAK, KULONG

Jeff Tumbado
May 2, 2019
1 min read

ARESTADO ang isang lola at lima pang kasamahan nito na umano’y tulak ng iligal na droga nang salakayin ng Drug Enforcement Unit ng Cebu City Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas sa Sitio Bugnay Uno, Bgy. Laba­ngon, Cebu.

Target ng naturang operasyon ang 68-anyos na lola na si Delma Mahilum na umano’y nagpapaupa ng kuwarto sa isang compound na ginagawang front bilang drug den.

Una umanong isi­nailalim sa ilang linggong surveillance ng pulisya si Mahilum sanhi ng reklamong nasasangkot ang matanda sa kala­karan ng iligal na droga.

Kinumpirma naman sa pulisya ng ilan pang tenants na ginagamit ang bahay ng matanda bilang batakan ng shabu ng mga parukyano ni Mahilum.

Nakumpiska kay Mahilum ang ilang gramo ng shabu na nagkakaha­lagang P71,000.

Arestado rin sina Hanley Go, 25; Serafin Mahilum, 31; Josue Kaparida, 19; Bhar­tholome Abella, 22, at isang nakilala lamang sa pangalang Villaflores habang nakatakas naman ang isang Alfonso Dadula sa naturang raid.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page