top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pumalag sa warrant, 2 utas

Jeff Tumbado
May 1, 2019
1 min read

BUMULAGTA ang lalaking tina­guriang most wanted at ang sinasabing kanang-kamay nito matapos makipagbarilan sa mga awtoridad sa Cebu City, kama­kalawa.

Kinilala ang mga napatay na sina Gerly Luwagi, 27, at Junel Lasam, kapwa naninirahan sa Bgy. Lawaan 3, Talisay City.

Batay sa report kay Police Captain Alejandro Batobalonos, naganap ang shootout sa tangkang pagsisilbi ng arrest warrant laban kay Luwagi sa tinutuluyang apartment nito sa Bgy. Basak, San Nicolas.

Wanted si Luwagi sa kasong pagbebenta ng iligal na droga makaraang ilabas ang warrant of arrest nito ni Judge Glenda Go ng Talisay City Regional Trial Court Branch 65.

Gayunman, hindi pa umano nakalalapit ang arresting team ay pinasalubungan na sila ng bala ng mga suspek na dahilan para gumanti ang pulisya hanggang sa mapatay ang mga ito.

Narekober sa hideout ni Luwagi ang mga baril at 200 gramo ng shabu na nagkakahalagang P1.3 milyon na sinasabing nakatakdang ire-supply sa malaking bahagi ng Cebu at Talisay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page