Parak pinagbabaril ng riding-in-tandem
- Jeff Tumbado
- May 1, 2019
- 1 min read

NAPATAY ng hindi pa tukoy na gunman ang isang pulis sa pananambang sa Lungsod ng Toledo, kahapon ng umaga.
Tatlong tama ng bala ng baril sa ulo at katawan ang tinamo ni Police Master Sergeant Junard Cinco, 38, residente ng Bgy. Lutopan at nakatalaga sa Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Cebu Provincial Police Office (CPPO).
Batay sa inisyal na imbestigasyon, alas-10:30 ng umaga nang mangyari ang pamamaril sa pulis sa Bgy. Media Once.
Patungo sa Bgy. Poblacion si Cinco sakay ng kanyang motorsiklo kasama ang asawa nito nang buntutan ng riding-in-tandem at pagbabarilin.
Ayon kay Police Captain Alejandro Batobalonos, posible umanong may kinalaman sa trabaho ng biktima bilang ahente ng anti-drug unit ang motibo sa pagpatay.





Comments