top of page
Pokwang.jpg

Mga dilawang kandidato na laglag sa survey, malamang, “nganga” sa eleksiyon

Writer: BULGAR
BULGAR
May 1, 2019
2 min read

SEN. BAM AQUINO, LAGLAG NA RIN SA LATEST SURVEY — Sa latest survey ng Pulse Asia, ang dating pala­ging pumapasok sa Top 12 na si re-elec­tionist Sen. Bam Aquino ay bumagsak na sa pang-13.

Natulad siya kay ex-DILG Sec. Mar Roxas na habang papalapit ang eleksiyon ay bumabagsak ang rating sa survey.

Kapag minalas-malas, malamang, ngayong eleksiyon ay walang “dilawang” kandidato ang magiging senador, boom!

◘◘◘

P-DUTERTE, KAKALAMPAGIN NA NAMAN NG MGA MANGGA­GAWA SA SABLAY NA PAGBA­SURA SA ENDO — Ngayong Labor Day ay kakalampagin na naman ng mga mang­gagawa ang napakong pa­ngako ni P-Du­terte noong 2016 Presi­den­tial Elections na kapag siya ang nanalong pangulo ay iba­basura na niya ang endo o kontraktuwa­lisasyon ng mga kumpanya sa mga mang­gagawa.

‘Yan ang hirap sa mga trapo (tra­ditio­nal politician) na tulad ni P-Duterte, kung anu-ano ang ipinapangako sa mga botante para lang iboto, pero kapag nanalo na, ‘yung pangako, napapako na, buwisit!

◘◘◘

TAAS-PRESYO NG MGA BILI­HIN, DAGDAG-TOLL FEE TAPOS NAGKA-OIL PRICE HIKE PA ULIT, SAKLAP — Simula kahapon ay nagtaas na naman ng presyo ng langis ang mga oil company.

Ang itinaas ng gasolina kada litro ay P0.75 sentimos, ang diesel ay P0.80 senti­mos at ang kerosene ay P0.90 sentimos.

Hay naku, ang taas na ng presyo ng mga bilihin, ang taas na rin ng singil sa toll fee tapos nagtaas pa ulit ng presyo ng mga produktong petrolyo, saklap!

◘◘◘

RAKET NINA ‘NARDO’ AT ‘EVE­LYN’, UNTOUCHABLES SA NUEVA ECIJA AT BATAAN — Hanggang nga­yon daw ay tuloy pa rin ang raket na drop balls at color games nina “Nardo” sa Ca­banatuan City, Nueva Ecija at “Evelyn” sa Dinalupihan, Bataan.

Ibig sabihin, hindi pa pala nakatitikim ng huli mula sa mga awtoridad sina “Nardo” at “Evelyn” kaya tuloy ang panraraket nila sa mga residente ng Cabanatuan City at Dinalupihan.

Dahil hindi pa nato-“tokhang”, luma­labas na untouchable pala ang raket ng dalawang iligalistang ito sa jurisdiction nina Nueva Ecija PNP Director Col. Leon Ro­sete at Bataan PNP Director Col. Villamor Tuliao, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page