top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Lalo na raw ‘yung mga long term memory, besh! MGA TAONG MAHILIG MAGPABANGO, MATATALAS ANG MEMORYA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 1, 2019
  • 1 min read

BUKOD sa nakapagpapalakas ng ap­peal ang pagiging mabango, knows ba ninyong ang mga taong mahilig magpa­bango ay matatalas ang memorya? Talaga ba? Wow!

Akala ng marami, ang pagbabango ay simpleng ka­artehan lang sa katawan, pero ang totoo, marami pa itong maidudulot na maganda sa ating kalusugan.

Ayon sa mga siyentipiko, ang ‘scent’ na mayroon ang pabango ay nakai-improve ng brainpower kung saan nadiskubre nila na kaya nitong i-unlock ang memories at maka-boost ng mental performance ng 20 porsiyento.

Gayunman, malaki raw ang naitutulong ng pagpapa­bango para sa mga estudyante, lalo na kung nagre-review sila dahil malaki ang maitutulong nito upang makapasa sila sa exam o recitation.

Samantala, base sa pagsusuri ng mga researcher mula sa University of Liverpool, ang power of odor daw uma­no ay kayang maka-manipulate sa maraming aspeto, partikular ang human performance at behaviour.

Ayon kay Dr. Simon Chu, isang cognitive psycholo­gist, ang scent ay nakatutulong din sa pagpapagaling ng phobias at pagbu-boost ng productivity.

Pero, mas epektibo umano ito sa kababaihan dahil mas malakas ang kanilang pang-amoy.

Kaya naman ang panawagan ng mga eksperto, alagaan ang sarili nang sa gayun ay hindi magkaroon ng iba’t ibang kumplikasyon.

Ngayong alam na ninyo ang benepisyo ng pagpapa­bango, make sure na susubukan at oobserbahan ninyo ito, okie?

Be healthy, mga beshy!

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page