KHAN AT TURKISH, BABANAT SA SEMIS NG ONE CHAMPIONSHIP
- BULGAR

- May 1, 2019
- 2 min read

INANUNSIYO ng pinakamalaking global sports media property sa kasaysayan ng Asya, ang ONE Championship™ (ONE), na itatampok sina dating ONE World Title challenger Amir Khan ng Singapore na magsasagupa kontra Saygid Guseyn “Dagi” Arslanaliev ng Turkey sa semi-final round ng ONE Lightweight World Grand Prix sa ONE: Enter The Dragon na idaraos sa Biyernes, Mayo 17 sa Singapore Indoor Stadium.
Humalili ang 24-anyos na si Khan sa puwesto ng orihinal na kalaban ni Arslanaliev na si Ariel “Tarzan” Sexton ng Costa Rica na puwersahang nag-withdraw sa laban matapos dumanas ng injury sa training.
Naging bahagi ang Singaporean Muay Thai Champion at dating ONE World Title challenger, sa hanay ng ilan sa pinakamahuhusay na ONE Championship lightweight division, kabilang na sina dating ONE World Champions Eduard “Landslide” Folayang at Honorio “The Rock” Banario, maging ang top contenders na sina Adrian Pang at Timofey Nastyukhin.
Sumagupa si Khan laban sa isa sa pinakamainit na lightweight contenders ngayon kay Arslanaliev ng Turkey.
Napatunayang malakas sa lahat ng pito niyang panalo ay mula sa stoppage.
Dinomina ni Arslanaliev ang lahat ng challenges na kanyang hinarap sa kanyang batang career.
Nakasakay ang 24-anyos sa three-bout winning streak mula sa mga panalong laban kina Tetsuya Yamada, Timofey Nastyukhin at nitong huli ay ang 25-second knockout ni dating ONE World Title challenger Ev Ting para umabanse sa ONE Lightweight World Grand Prix semi-final round.
Itinampok ng ONE: Enter The Dragon sina newly-crowned ONE Lightweight World Champion Shinya “Tobikan Judan” Aoki ng Japan na nakatakdang depensahan ang titulo kontra rising star Christian “The Warrior” Lee ng Singapore.
Sa co-main event ng gabi, sasagupain ni Dutch kickboxing superstar Nieky “The Natural” Holzken ang kababayan na si Regian “The Immortal” Eersel para sa inaugural ONE Lightweight Kickboxing World Championship. (MC)





Comments