Kambal, 'di naman daw galing sa kanya… KORINA, UMAMING 'DI PA MA-FEEL ANG PAGIGING INA


SA guesting ni Ms. Korina Sanchez sa programang Magandang Buhay, nagpakatotoo lang siya nang aminin na hindi pa niya ganap na ma-feel ang pagiging ina sa kambal na anak na sina Pepe at Pilar.
Hindi raw kasi siya ang mismong nagbuntis at nagluwal sa kambal na anak kundi ang surrogate mother, kahit na galing mismo sa kanya ang egg cell na ginamit sa in vitro fertilization. Kaya, hindi rin niya maipaliwanag ang feelings niya noong unang makita ang twin babies na sina Pepe at Pilar.
Pero, nang iuwi na nila ng ‘Pinas ang kambal at nasa kanilang pangangalaga na, sinikap namang pag-aralan ni Korina ang routine sa pagpapadede (bottle feed) nina Pepe at Pilar. Doble-hirap dahil dalawa nga ang babies na dapat asikasuhin.
Pero, na-train na raw niya na huwag sabay na umiyak ang dalawang babies kapag gutom na. At habang lumilipas ang mga araw, doon pa lang daw nagsi-sink-in sa news anchor na siya ay isang ganap nang ina habang inaalagaan ang twins niyang sina Pepe at Pilar.
May bonding din siyang nararamdaman sa kambal na anak.





Comments