Driver dedbol sa bangin
AURORA—Isang driver ang namatay nang aksidenteng mahulog ang minamaneho nitong trak, kamakalawa sa bangin na sakop ng Bgy. Dianawan, Maria Aurora sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Jerry Catigueroa, residente ng Bgy. Poblacion West, Asingan, Pangasinan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Catigueroa kaya nahulog ang trak sa naturang bangin.
Kaagad sumaklolo ang mga residente at dinala si Catigueroa sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments