DOLE ngayong Labor Day | WALANG DAGDAG-SAHOD

MALABONG mapagbigyan ang hirit na umento sa sahod ngayong Labor Day ng mga manggagawa sa Metro Manila.
Paliwanag ni Labor Undersecretary Ciriaco Lagunzad, batay sa kanilang timeframe ay malabo pa ang dagdag-sahod sa mismong Araw ng Paggawa.
Una nang naghain ng petisyon ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na humihiling ng P710 kada araw na across-the-board wage hike para sa mga manggagawa ng Metro Manila.
Giit ni Lagunzad, maaaring pag-aralan ng Board ang petisyon ng TUCP kung may ‘supervening condition’ o sapat na dahilan para itaas ang sahod ng minimum wage earners.
Kung mapatutunayan ito ay maaaring ikonsidera aniya ng Board ang pagsuri sa wage petition.





Comments