top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Change your routine, be adventurous, out in your comfort zone etc... IBA’T IBANG WAYS KUNG PAANO MAP

Donna Thea Topacio
May 1, 2019
1 min read

SOBRANG buryong na ba kayo sa buhay na mayroon kayo ngayon? Don’t worry dahil hindi lang kayo ang nakararanas niyan, mga beshy, sa totoo lang, kahit ‘yung mga mayayaman at angat sa buhay ay nara­ramdaman din ‘yan.

Alamin ang mga paraan para mapanatiling exciting ang buhay:

1. LOVE YOURSELF. Dapat mong pahalagahan ang iyong sarili, hindi lang para ma-boost ang iyong confidence kundi dahil makatutulong ito para mas ganahan kang mabuhay, lalo na kung makikita mo ang progress sa iyong nasimulan.

2. CHANGE YOUR ROUTINE. May mga gawaing nakasasawa, kaya dapat maru­nong tayong maghanap ng bagong pagkakaabalahan o kaya ay per schedule ‘yung ating libangan. Ganern!

3. HAVE AN INSPIRATION. Sadyang nakae-excite kapag may dyo­wa o ma­hal sa bu­hay, kaya, inirereko­menda ng mga eks­per­to na magkaroon ng inspi­ras­yon nang sa gayun ay madagdagan ng kabulu­han ang inyong mga nais marating.

4. BE ADVENTUROUS. Exciting kapag nakararanas din tayo ng challenges, ‘yung tipong sumusubok tayo ng mga bagong bagay na nakapagpapasaya sa atin.

5. OUT IN YOUR COMFORT ZONE. Minsan, ang pag-out sa comfort zone ang nagiging dahilan kung bakit mas natutuklasan ng indibidwal ang kanyang sarili na dapat talagang gawin dahil ‘yun ang mas importante.

Sa lahat ng bagay, hindi maiiwasang mapagod, tamarin at magsawa tayo, pero dapat huwag nating hahayaan ang ating sarili na manatili na lang sa ganitong sitwasyon. ‘Ika nga, gawa-gawa rin ng paraan ‘pag may time!

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page