top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

CHAMPIONS VIRAY SIBLINGS, TAMPOK SA BVR ON TOUR

Writer: BULGAR
BULGAR
May 1, 2019
1 min read

PAMUMUNUAN ng kambal na sina Nieza at Ella Viray ang idaraos na BVR On Tour: Lingayen Open na magbubukas sa Capitol Beachfront ng kapitolyo ng lalawigan ng Pangasinan. Unang sumalang sa National Championship sa idinaos na Dagupan Leg noong isang taon ang kambal na nakapag­bigay sa San Beda ng dalawang titulo ang siyang mangunguna sa 12 koponang kalahok sa dalawang araw na torneo na bahagi ng taunang selebrasyon ng Pistay Dayat.

Kabilang sa mga mahigpit nilang katunggali ang Perlas tandem nina Bea Tan at Dij Rodriguez na tumapos na runner-up sa katatapos na Dumaguete leg kung saan nagkampeon ang University of Santo Tomas duo nina Babylove Barbon at Gen Eslapor.

Nariyan din si Roma Joy Doromal na sa pagkakataong ito ay makakatambal si Kly Orillaneda para sa kopo­nan ng NU-Boysen 1 at sina Bingle Landicho at Kath Epa na bubuo sa NU Boysen 2.

Mangunguna sa men’s division ng Air Force 2 duo sina Jade Becaldo at Mike Abria. Nariyan din ang Air Force 1 tandem nina Edwin Tolentino at Ruben Inaudito at NU-Boysen pair nina Pol Salvador at James Buytrago. Ang iba pang women’s entries ay sina Air Force pairs May Ann Pantino at Jozza Cabalsa, Mikaela Andres at Angel Antipuesto, at Sta. Lucia pair nina Jackie Estoquia at DM Demon­taño (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page