top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bebot nahulog sa mall, dedbol

Madel Moratillo
May 1, 2019
1 min read

PATAY ang isang babae matapos mahulog sa canopy ng isang kilalang mall sa Bgy. Wack-wack, Mandaluyong City kamakalawa.

Tumanggi ang pamunuan ng Eastern Police District (EPD) na pangalanan ang biktima ayon na rin sa kahilingan ng pamilya nito.

Ayon sa Mandaluyong City Police, alas-11:35 ng umaga nang maganap ang insidente sa EDSA Shangri-La Mall.

Sa salaysay ng security guard ng mall na si Dominic Pratt, kasalukuyan umano siyang nagmamando ng mga sasakyan sa entrance at exit sa Phase 2 ng Internal Road nang makarinig ng malakas na kalabog sa Level 2 ng canopy mall na katabing gusali ng St. Francis Shangri-La Place.

Agad niya itong ini-report sa kanilang tanggapan upang maberepika.

Tinungo naman ng security officer na si Roberto Milca, Jr. ang lugar at dito nadiskubre ang biktima na nakahandusay at duguan.

Isinugod pa ng mga tauhan ng Emergency Response Group (ERG) ang biktima sa The Medical City Hospital ngunit, idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page