top of page
Pokwang.jpg

Balakang, apektado… BIANCA, INAMIN ANG SAKIT KAYA HIRAP MAGLAKAD

Writer: BULGAR
BULGAR
May 1, 2019
2 min read

Nitz Miralles / BIDA

MASAKIT ang balakang ni Bianca Umali nang makita namin sa shooting ng pelikulang Family History, kaya paika-ika ang lakad niya.

Sabi ni Bianca, slip disc daw ‘yun, pero pina­yuhan siya ng mga reporters na magpa-physical therapy para hindi lumala.

Hindi naman naaapektuhan ang trabaho ni Bianca sa sakit ng balakang niya. Tuloy ang taping niya ng Sahaya at shooting ng Family History. Ma­buti raw at wala siyang gina­gawang pisikalang eksena.

Sa June or July ang play­date ng Family History. Mau­una ang showing ng APT Films movie nina Bianca at Miguel Tanfelix na Banal na sa May 29 naman ang playdate.

Kuwento ni Bianca, na-amaze siya kay Michael V. wearing three hats sa movie. Hindi lang kasi producer si Michael V., siya rin ang lead actor, scriptwriter at director ng Family History.

Ang nangyayari, nagba-blocking muna si Michael V. at sinasabi ang dapat gawin ng cast bago kunan ang sarili. ‘Yun ay ‘pag kasama siya sa eksena.

Hanga rin si Bianca sa teamwork ni Michael V. at ng asawang si Carol.

“Ang sarap nilang pano­oring dalawa at ang galing talaga ni Direk Michael, multi-tasking siya,” sabi ni Bianca.

Matutuwa ang mga fans nina Bianca at Miguel dahil walang nabago sa kanilang samahan kahit may mga isyu sa kanila. Ang sagot dito ni Bianca, dahil matagal na silang magkaibigan ni Miguel at matagal nang magkasama sa trabaho. In fact, sa buong showbiz career nila ay sila ang magkasama.

Ngayon nga, bukod sa Family History at Banal, magkasama at magkatambal ang dalawa sa Sahaya. Pinaaabangan ni Bianca ang transformation ni Sahaya at ang pagpasok ng karakter na tutulong sa transformation niya.

Samantala, sina Bianca at Maymay Entrata ang tumanggap ng German Moreno Memorial Youth Award sa katatapos na 67th FAMAS Awards.

“Maraming salamat po, FAMAS sa parangal na ito. Tulad po ng sabi ko, isa pong karangalan ang mapansin at mabigyan ng parangal. Ang mga bagay po na tulad nito ay isa sa mga nagsisilbing inspirasyon sa mga katulad ko pong nangangarap na ipagpatuloy na husayan po dito sa ating industriya. Maraming salamat po, Panginoon.

“Sa aking network, GMA-7, sa lahat po ng mga sumusuporta at nagmamahal sa akin, sa aking pamilya, most especially sa aking Lola Mama, DAHIL at PARA sa inyo ito. Napakasarap po sa puso. Muli, maraming-maraming salamat po!” pasasalamat ni Bianca.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page