top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Shoutout sa mga inggitera riyan... 6 REASONS KUNG BAKIT MAY MGA INSECURE NA TAO

Donna Thea Topacio
Apr 30, 2019
1 min read

INSECURE ka ba, ‘teh? Ito ang madalas nating itanong sa mga taong walang magawang maganda sa atin kundi ang makialam at manira. Sa totoo lang, sa dinami-rami ng insecure sa mundo, hindi na dapat sila pinag-aaksayahan ng panahon, pero para maging aware rin tayo sa kanilang pinagdaraanan, alamin ang 6 reasons kung bakit may mga taong nai-insecure:

1. NOT CONTENTED. Ang sabi nila, kapag daw ang tao ay maraming sinasabing hindi maganda sa iyo, sila raw ‘yung mga hindi kontento sa buhay, gayundin sa kani­lang pisi­kal na hitsura at katawan. ‘Yun lang!

2. SAD LIFE. Dahil sa kalungkutan, maraming tao ang nakagagawa ng masama sa kanilang kapwa kung saan mayroon diyan na hinahangad ding maging miserable ang buhay ng kanilang mga kakilala dahil naiinggit sila sa buhay na mayroon ito.

3. SEEK ATTENTION. In short, sila ‘yung mga KSP o kulang sa pansin, puwede rin namang pampam na madalas umepal kasi hindi sila napapansin sa bahay o ng mga kaibigan.

4. DON’T HAVE ENOUGH CONFIDENCE. Minsan, nai-insecure ang tao dahil kulang sila sa confidence. Ang pagkakaroon ng mataas na confidence ay naibabase sa mga tao sa ating paligid dahil may epekto ang kanilang mga opinyon sa bawat isa.

5. INDENIAL. Hindi nila matanggap ‘yung mga bagay na obvious na. Halimbawa, sa kanilang pag-uugali o kaya ay pisikal na hitsura.

6. RECENT FAILURE OR REJECTION. May ilan diyan na trauma na sa mga bagay-bagay, kaya walang choice kundi ang ma-insecure sa mga taong nakalalasap ng maganda at masayang buhay.

Oh, ayan, ang pagiging insecure ay hindi makagaganda para sa atin, kaya make sure hangga’t maaga pa, eh, sosolusyunan na natin ito.

Okie?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page