top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sales lady minanyak, Indian kulong

Maeng Santos
Apr 30, 2019
1 min read

ARESTADO ang isang Indian national matapos umanong manyakin ang isang sales lady na naliligo sa swimming pool sa isang resort sa Valenzuela City, kahapon ng hatinggabi.

Kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col David Nicolas Poklay ang naarestong suspek na si Simronjit Gonzales Singh, 21, ng Caloocan City.

Sa pahayag sa pulisya ng 28-anyos na biktimang itinago sa pangalang ‘Ligaya’, sumama siya sa mga kaibigan na mag-overnight swimming sa Villa Martha Resort upang makapaglibang at maibsan ang matinding init ng panahon.

Habang naliligo sa pool, alas-12:01 ng hatinggabi, bigla na lamang umanong tinabihan ng suspek ang biktima at dalawang ulit na hinawakan ang maselang parte ng kanyang pagkababae.

Natakot ang biktima kaya iniwasan niya ang suspek subalit, patuloy umano siyang sinusundan ni Singh kaya humingi na siya ng tulong sa mga kasamahan na agad tumawag ng pulis na nagresulta sa pagkakaaresto sa lalaki.

Kasong acts of lasciviousness ang isinampa ng pulisya laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page