PARTIDA, NAKAPAA SI DELIMA, GOLD ULI SA PALARO ATHLETICS

DAVAO CITY-Kumbaga sa nobela ay parehong istorya lang ang laman sa mga karakter nina Leslie Delima ng Bicol Region at bitter rival Camila Tubiano ng Northern Mindanao sa 3000m high school girls at muling tinalo si Tubiano sa climatic finished sa Palarong Pambansa na sinimulan na kahapon sa iba’t-ibang venues kung saan ang Davao Sports Complex ang mainhub.
Ang tanging naiba ay ang lugar kung saan unang tinalo ni Delima si Tubiano sa Vigan, Ilocos Sur noong 2018 at ngayon sa Davao kung saan naging alkalde si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng mahigit dalawang dekada.
Dumating si Pres. Duterte galing sa official visit sa China at tumuloy sa Davao noong Linggo sakto sa opening ceremony na sinaksihan nina Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez at local officials sa pangunguna ni presidential daughter Mayor Sara Duterte.
Tinalo ni Delima si Tubiano sa huling 200 meters ng 3000 meters sa oras na 10 minutes at 22.42.
Suot ang blue, white at red uniform na may tatak na “Team Vulcans” hinango sa pamosong symmetrical cone na Mount Mayon at sa ikatlong pagkakataon ay tumakbong nakapaa, impresibo ang performance ni Delima sa pagtakbo at pahabaan ng resistensiya para maging undisputed “queen” of 3000m sa Palaro at magwagi sa regional meet na ginawa sa Masbate.
Sumunod na pangatlo kay Tubiano si Lovely Cordovilla ng Central Luzon sa 10:38.82.
Hindi man nahigitan ang kanyang personal best, 10:06 at Philippine record, 10:09.00 ni Rosalinda Catulong, gumawa naman si Delima ng kasaysayan bilang unang runner na nanalo ng tatlong sunod sa 3000m sa loob ng 71 taon nang umpisahan ang Palarong Pambansa noong 1948 sa Manila taglay ang orihinal na pangalang Bureau of Public Schools Interscholastic Athletic Meet.
Nang tanungin kung bakit ayaw niyang gumamit ng running shoes, sagot ni Delima, “mas komportable akong tumakbong nakapaa kaysa may running shoes.” Tatanggap si Delima, anak ng magsasaka ng P20,000 bilang pabuya galing kay Regional Director Gilbert T. Sadsad. Balak kunin ni UST athletic coach Manny Calipes si Delima matapos maglaro sa kanyang rehiyon. “She is the kind of athlete I am looking for. She’s only 14 years old and four years to play for her region. Marami pang pahihirapan si Delima sa apat na taong paglalaro sa Palarong Pambansa.”





Comments