P-Digong sa next president | DAPAT MAY PUSO

BAGAMA’T, may natitira pang tatlong taong termino, umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kabataan na pumili ng susunod na lider na may puso.
Sinabi ng pangulo na maraming opsiyon ang mga botante upang pumili ng susunod na lider sa ilalim ng demokratikong bansa.
Giit ng Punong Ehekutibo, dapat may puso ang susunod na lider na posibleng isang Muslim o taga-Maguindanao o Tausug o Ilocano.
“I will not stay forever, in three years I will be gone. I will retire, you will forget me and that is good,” ani P-Duterte sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng Palarong Pambansa 2019 sa Davao City kamakalawa.
“You have so many options in a democracy. And maybe, piliin lang ninyo ‘yung tao na — who has the heart. It could be a Muslim, it could be Maguindanao, it could be a Tausug, it could be an Ilocano,” ayon pa sa pangulo.
“I’ll leave it up to you to decide someday what you intend to do about your country. Inyo na ‘yan,” dagdag pa ng Chief Executive.





Comments