top of page
Pokwang.jpg

NUEVA ECIJA AT MALABON, NAGPAKABOG SA CBA

Clyde Mariano/MC
Apr 30, 2019
1 min read

GINULPI ng Novo Ecijano at Malabon ang kani-kanilang mga kasagupa mula sa pagkakaiwan pa sa huling bahagi ng laro sa Community Basketball Association Pilipinas Founders Cup na idinaos sa Thoa Wild Center Gymnasium sa Valenzuela noong Sabado.

Ginapi ng Defenders ang Quezon City Capitals, 94-78, habang pinayuko ng Squad ang hosts Valenzuela Express, 84-68. Pinasuko ng Raptors sa kabilang banda ang Rizal Chief, 88-83. Sa kabila ng malakas na laro sa unang quarter, kinailangan ni Rizaba na makaipon ng lakas habang kailangang buhusan ng malamig na tubig si Ron Villanueva ng Rizal upang makalayup sa nalalabing 35 segundo.

Nakabakas si Mitch Lodia ng 26 points, nine rebounds, 3 assists, 5 steals at 4 blocks para sa Raptors. Dumagdag si Alvin Se ng 14 points, 14 rebounds, 3 assists at one block. Nagpasabog si Dennis Santos ng 31 points, 16 rebounds, 2 assists, one steal, at 1 block para sa Chief.

Samantala, nakapagpa-gasolina ang Novo Ecijano sa huling half-hour para makarekober sa mabagal na simula at ginapi ang QC. Umiskor si Jayve Ferreria ng 18 points, 7 rebounds, 4 assists at 1 steal para sa Defenders. Dumagdag si PJ Reyes ng 17 puntos, 1 rebound, 2 assists at 1 steal. Kumulekta si Alvin Alday ng 16 marka at 3 rebounds para sa Capitals. Samantala sa main game, solidong laro ang ipinakita ng Malabon kontra Valenzuela.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page