Nagbibilang ng boto | 270 ELECTION WORKERS PATAY SA PAGOD
- Jersey Sanchez
- Apr 30, 2019
- 1 min read
MAHIGIT 270 election workers ang nasawi dahil sa fatigue-related illnesses o sakit na nakukuha sa sobrang pagkapagod.
Ito ay dahil sa mahabang oras ng pagtatrabaho sa pagbibilang ng mga boto.
Ayon kay General Elections Commission (GED)) Spokesperson Arief Priyo Susanto, 7 milyon katao ang tumulong sa pagbibilang at pagbabantay sa mga boto habang 1,878 election workers ang naitalang nagkasakit noong April 17 elections.
Kahit mainit ang panahon, kailangan din umanong magtrabaho ng mga ito kahit gabi.
Ang April 17 elections ang kauna-unahang halalan na sabay bumoto ang mamamayan para sa presidential at regional parliamentary ballots.
Samantala, nakatakdang magbigay ang election commission ng Indonesia ng tulong sa bawat pamilyang namatayan na katumbas ng isang taong sahod na minimum wage.





Comments