top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Motor sumalpok sa truck, rider tigok

Gina Pleñago
Apr 30, 2019
1 min read

DEDBOL ang 24-anyos na rider habang sugatan ang angkas nitong katrabaho matapos silang sumalpok sa mini dump truck sa Taguig City.

Kinilala ang nasawi na si May Erandio, 24, residente ng Makati City. Ginagamot naman sa Taguig-Pateros District Hospital ang angkas nitong si Jeric Bangayan, 24, ng Pasig City.

Nasa kustodiya na ng Taguig City Traffic Bureau ang driver ng trak (MV 2574) na si Michael Trine, 41, ng Taguig City.

Base sa report ni Taguig City Traffic Bureau Police Captain Joseph Robles, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Levi Mariano Avenue, Bgy. Ususan, Taguig City, alas-6:20 ng umaga.

Ipinarada muna ni Trine ang kanyang sasakyan habang hinihintay ang kasamahan nito.

Habang minamaneho naman ng biktimang si Erandio ang motorsiklo kung saan angkas nito si Bangayan at habang binabaybay nila ang naturang lugar, hindi nila namalayan ang nakaparadang trak.

Sinasabing mabilis ang pagpapatakbo ng motorsiklo at hindi umano nakontrol ang preno at sumalpok ito sa harapang bahagi ng nakaparadang trak sa kaliwang bahagi.

Tumilapon ang mga biktima kung saan labis na nasaktan si Erandio na ikinasawi nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page