top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga hayop, bagong "lookout" ng mga sindikato sa iligal na droga!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 30, 2019
  • 2 min read

DROGA! Droga! Dro­ga! ‘War on drugs’ ni P-Du­terte, tila hindi naba­bawasan, bagkus, duma­rami pa. Ito ang assessment ng ilan nating kababayan na suportado ang laban ng adminis­tras­yon sa iligal na droga.

Kamakailan, nabul­gar na maging ang mga hayop ay ginagamit na diumano bilang “lookout” ng mga drug syndicate sakaling may isinasagawang pagsala­kay ang mga awtoridad sa kanilang hideout o drug den.

Sa isinagawa nating pagtatanong sa kapuli­san ng isang distrito sa Kalakhang Maynila, inamin nilang posible rin itong mangyari sa Pilipinas na turuan ng mga sindikato ang aso at kalapati tulad ng pagtu­turo sa mga K-9 sniffing dog at maaamong kalapati tulad sa pag-aalaga sa kanila.

Dagdag pa ng mga nakausap nating alagad ng batas, walang impo­sible sa mga ‘animal’ na sindikato ng iligal na droga kapag ginusto ni­lang sirain ang kredibi­lidad ng administrasyon kahit sino pa ang mau­pong pangulo ay hindi sila manu-neutralize na dapat nating paghanda­ang mabuti para hindi sila makaperhuwisyo na kalimitang biktima ay ang mga buraot na tulak ng iligal na droga.

Dagdag pa nila, mas­yado nang buking ang mga “lookout” nilang tao kaya posibleng gayahin nila ang modus ng mga miyembro ng illegal drug syndicate na mag-train ng ibon, aso at kalapati nang sa gayun ay hindi agad mabuking ng mga awtoridad sa kanilang pagsalakay.

Dahil sa nabulgar na ibong parrot ang ginawang “lookout” ng mga sindikato ng iligal na droga sa Brazil kung saan nakatakas ang mga suspek dahil sa pagiging “madaldal” ng nasabing ibon, nakapagbigay-babala sa kanyang mga amo ang pagdating ng mga awtoridad.

Sa ganitong senaryo, malamang, hindi mata­ta­pos o mauubos ang mga iligal na droga kung saan ang mga small time lang ang nahuhuli o kapag minalas-malas pa ay mapatay ito dahil sa “nanlaban” daw.

Inaabisuhan natin ang kapulisan, gayundin ang militar na maging handa at maalam tayo sa mga hayop na posibleng turu­an ng mga sindikato sakaling magsagawa ng pagsalakay sa lungga ng mga bigtime drug syndicate dahil mismong si Pangulong Rodrigo Du­terte ay umaming mahirap daw mawala ang iligal na droga sa Pilipinas. Tsk!

Ikaw kaibigan, anong sey mo?

Laging tatandaan, walang maloloko kung walang nagpapaloko!

Ligtas ang may alam!

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page