Malinis at kaaya-ayang bansa, simulan sa barangay


SA kabila ng patuloy na pagsasagawa ng clean-up drive sa Kamaynilaan, maraming lugar pa rin ang nananatiling marumi.
Ito ang dahilan para magbigay-babala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na maglalabas ng listahan ng mga barangay na hindi naglilinis ng kanilang nasasakupan.
Dagdag pa ng ahensiya, kailangang magkaroon ng lingguhang clean-up drive sa mga barangay, partikular sa Central Luzon, Calabarzon at National Capital Region (NCR) bilang parte ng Manila Bay Rehabilitation Program.
Daan-daang sako ng mga basura pa rin ang nakukuha sa mga ilog kung saan marami rito ay mga plastik.
Ayon sa ahensiya, nakatakdang ilabas ang listahan sa susunod na buwan.
Hindi natin dapat iasa sa mga kinauukulan ang pagpapanatiling malinis ng ating kapaligiran.
Upang tuluyang maging malinis at kaaya-ayang tingnan ang ating bansa, dapat simulan ito sa ating barangay.
Bilang tulong sa pagpapanatiling malinis ng ating kapaligiran, bawasan ang paggamit ng plastik at isagawa ang proper waste disposal.





Comments