Kung maaaring maging assistant sa botika ang sinuman kahit hindi nakapagtapos sa kolehiyo

Dear Chief Acosta,
Sa hirap ng buhay sa probinsiya, napag-isipan ng isa sa mga pinsan ko na lumuwas ng Maynila upang mamasukan sa aming kamag-anak na nagmamay-ari ng malaking botika. Ang problema, hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo, nais naming malaman kung maaari ba siyang mamasukan bilang assistant sa botika kung saan ang kanyang magiging trabaho ay tagaabot ng mga gamot? Sa totoo lang, siya ang panganay sa pamilya at kailangan niya ng trabaho. — Lovely
Dear Lovely,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 39 ng Republic Act (R.A.) No. 10918 kung saan nakasaad na:
“Section 39. Handling of Pharmaceutical Products by Persons Other Than a Pharmacist. – For the purpose of this section, persons handling pharmaceutical products, other than the pharmacist, which shall include pharmacy owners who are non-pharmacists, medical representatives or professional service representatives, pharmacy support personnel, pharmacy technicians, pharmacy assistants, pharmacy sides, persons who assist pharmacists in any part of a pharmacy operation, or any other person performing functions involved in the handling of pharmaceutical products, shall be duly certified by appropriate government agencies after undergoing an accredited training program.” (Binigyang-diin)
Samakatwid, kung siya ay hindi pharmacist, kinakailangan munang siya ay certified ng gobyerno para gawin ito matapos niyang sumailalim sa accredited training para rito.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.





Comments